Isa ito sa mga dahilan kung bakit libu-libong mga Marinong Pilipino ang nawawalan ng trabaho, kung bakit mga batang marino ang palaging napipiling sumampa at kung bakit mahirap makasampa ang maraming mga marino. Ito rin ang dahilan kung bakit unti-unti nang naghahanap ng ibang lahing pampalit sa mga Pilipino ang mga ship owners.
Matagal na pong nananawagan ang industriya at humihingi ng tulong sa Department of Labor and Employment (DOLE) at sa iba’t ibang sangay ng gobyerno at mga politiko pero tila bulag, pipi at bingi sila pagdating sa isyung ito.
Kami po sa Tinig ng Marino DigiTV ay sumasaludo kay Mr. Tomas Orola, presidente ng Orophil Manning Agency sa kanyang paghahabla ng kaso laban sa mga NCMB arbitrators na sumisira sa industriya dahil sa kanilang korupsyon.
Hindi po ito ang huling kasong ihahabla laban sa mga corrupt arbitrators ng NCMB at NLRC, marami pang kasong ihahabla sa kanila at sa kanilang mga kasabwat!
Ang labang ito ay laban din ng mga marinong Pilipino!

Related